“๐—ž๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฒ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ผ, ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ” Araw ng Kagitingan-2023

Ginugunita natin ngayong Araw ang ika-81 Araw ng Kagitingan na may temang “๐—ž๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฒ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ผ, ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ.”

Sa araw na ito, sumuko ang puwersang Pilipino-Amerikano ng US Army Forces in the Far East (USAFFE) sa Bataan matapos ang ilang buwang magiting na pagtatanggol nila sa nasabing lugar. Napadpad sila sa nasabing probinsya bilang bahagi ng War Plan Orange No. 3, matapos nilang hindi mapigilan ang mabilis na pag-abante ng mga puwersa ng Imperial Japanese Army sa Luzon. Sa loob ng halos apat na buwan, pinilit nilang depensahan ang Bataan mula sa mga Hapones sa kabila ng naranasan nilang gutom, pagod, at pagkakasakit dahil na rin sa kakulangan ng pagkain at mga suplay.

Matapos nilang sumuko, dinanas naman ng puwersang USAFFE ang malagim na Bataan Death March. Mula sa iba’t ibang panig ng Bataan, pinagmartsa ng mga Hapones ang mga sumukong USAFFE patungo sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga, at isinakay sa isang tren patungong Capas, Tarlac. Mula doon ay pinaglakad muli sila patungo sa Camp O’Donnell, na siyang nagsilbing kanilang kulungan. Dahil mga pawang gutom, pagod, at maysakit dahil sa ilang buwang pakikipaglaban, maraming mga kasapi ng USAFFE ang namatay sa Bataan Death March. Ang iba naman sa kanila ay sinasabing binitay ng mga Hapones bilang pagganti sa matinding laban na kanilang ibinigay sa mga mananakop.

Ito ang naging hudyat ng unti-unting pagbagsak ng Pilipinas sa kamay ng mga Hapones. Makalipas ang isang buwan, sumuko na rin ang mga puwersang USAFFE na nasa Corregidor, Visayas at Mindanao. Ang ibang mga hindi sumuko ay nagtayo ng iba’t ibang samahang gerilya na nagpatuloy sa pakikipaglaban sa mga Hapones hanggang sa pagtatapos ng digmaan noong 1945. Sumapi sa mga ito ang ibang mga sibilyan na nagnais ding tumulong sa pagpapalaya ng bansa.

Bilang pag-alala, taong 1961, ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas ang Republic Act No. 3022, na nagdedeklara sa Abril 9 bilang isang pista opisyal. Mula 1966 hanggang 1970, ipinatayo ng Pamahalaan sa tuktok ng Mount Samat, Bataan ang Dambana ng Kagitingan, ang pambansang monumentong pang-alaala sa lahat ng mga lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Isang makabuluhang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa ating lahat!

#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna
#ArawNgKagitingan

Scroll to Top