ANUNSYO | Ang City Education and Development Office (CEDO), katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Treasury Office (CTO) at San Pedro Gender and Development Office, ay sisimulan na ang payout sa mga estudyanteng makakatanggap ng “Tulong Pinansyal sa mga Mag-aaral na Magsisipagtapos S.Y. 2022-2023”. Ang proseso ng pay out ay naka-iskedyul ng pa-alpabeto, una ang apelyido (alphabetical order according to last name) at mag-uumpisa sa darating na Agosto 22-25, 2023 (Martes hanggang Biyernes) sa Robinsons Galleria South, ika-apat na palapag, malapit sa Tom’s World mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Iskedyul ng pay out na pa-alpabeto, una ang apelyido:
Mga nagsipagtapos ng Elementarya [Agosto 22, 2023, Martes]
• 8:00 AM – 12:00 NN
– A hanggang J (na apelyido)
• 1:00 PM – 4:00 PM
– K hanggang Z (na apelyido)
Mga nagsipagtapos ng Senior Highschool [Agosto 23, 2023, Miyerkules]
• 8:00 AM – 4:00 PM
– A hanggang J (na apelyido)
Mga nagsipagtapos ng Senior Highschool [Agosto 24, 2023, Huwebes]
• 8:00 AM – 4:00 PM
– K hanggang Z (na apelyido)
Mga nagsipagtapos ng Kolehiyo [Agosto 25, 2023, Biyernes]
• 8:00 AM – 12:00 NN
– A hanggang J (na apelyido)
• 1:00 PM – 4:00 PM
– K hanggang Z (na apelyido)
Mga kailangang dalhin:
1. Slip form na ibinalik ng validator
2. Orihinal at Kopya (harap at likod) ng Valid Government ID o School ID ng tatanggap
*Kung menor de edad, orihinal at kopya (harap at likod) ng Valid Government ID ng magulang o tagapangalaga at School ID ng tatanggap
*hindi po tatanggapin ang expired na ID
PAALALA:
• Basahing mabuti at sundin po natin ang itinakdang petsa at oras para sa pay out ng bawat mag-aaral.
Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa numerong 8808-2020 lokal 212/121, Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 AM-5:00 PM.