ANUNSYO | Ang City Education and Development Office (CEDO), katuwang ang City Treasury Office (CTO), ay muling magkakaroon ng payout sa mga estudyanteng hindi nakatanggap ng “Tulong Pinansyal para sa mga Nagsipagtapos A.Y. 2023-2024” noong unang payout na gaganapin sa ika-26 ng Hulyo (araw ng Biyernes) sa San Pedro City Hall Lobby.
Ang proseso ng payout ay hinati sa dalawang grupo. Para sa mga may Slip No. 1 hanggang 392, kayo ay pupunta mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, samantalang ang Slip No. 393 hanggang 775 ay pupunta naman mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.
Mga kailangang dalhin:
1.Validation Form
2.Orihinal ng Valid Government ID o School ID ng tatanggap
3.Kopya (harap at likod) ng Valid Government ID o School ID ng tatanggap na may tatlong (3) pirma
*Kung menor de edad, orihinal at kopya (harap at likod) ng Valid Government ID ng magulang o tagapangalaga at School ID ng tatanggap na may tatlong (3) specimen signatures
*Hindi tatanggapin ang expired na ID
*Ang papayagan lamang na mag-claim ay ang mag-aaral o ang guardian na nakasaad sa Validation Slip. Hindi pa rin pinapahintulutan ang authorization letter.
Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa City Education and Development Office sa 2nd floor, San Pedro City Hall.