Tulong Pinansyal para sa mga Nagsipagtapos A.Y. 2023-2024

ANUNSYO | Ang City Education and Development Office (CEDO), katuwang ang City Treasury Office (CTO), ay sisimulan na ang payout sa mga estudyanteng makakatanggap ng “Tulong Pinansyal para sa mga Nagsipagtapos A.Y. 2023-2024”. Ang proseso ng payout ay naka-iskedyul ng pa-alpabeto, una ang apelyido (alphabetical order according to last name) at mag-uumpisa sa darating na Hulyo 8-12, 2024 (Lunes hanggang Biyernes) sa Robinsons Galleria South, Atrium Hall, Ground Floor at magsisimula ng 10:00 AM.

Iskedyul ng pay out na pa-alpabeto, unang letra ng apelyido:

Mga nagsipagtapos ng Elementarya

– A hanggang J (Hulyo 8, 2024, Lunes)

– K hanggang Z (Hulyo 9, 2024, Martes)

Mga nagsipagtapos ng Senior Highschool

– A hanggang J (Hulyo 10, 2024, Miyerkules)

– K hanggang Z (Hulyo 11, 2024, Huwebes)

Mga nagsipagtapos ng Kolehiyo

– A hanggang Z (Hulyo 12, 2024, Friday)

Mga kailangang dalhin:

1. Slip form na ibinalik ng validator

2. Orihinal at Kopya (harap at likod) ng Valid Government ID o School ID ng tatanggap

*Kung menor de edad, orihinal at kopya (harap at likod) ng Valid Government ID ng magulang o tagapangalaga at School ID ng tatanggap na may tatlong (3) specimen signatures

*hindi tatanggapin ang expired na ID

PAALALA:

• Basahing mabuti at sundin ang itinakdang petsa at oras para sa pay out ng bawat mag-aaral.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa City Education and Development Office sa 2nd floor, San Pedro City Hall.

#UnaSaEdukasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top