TINGNAN | Pagtatapos ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month sa San Pedro City, isinagawa sa mas makabuluhang pamamaraan.

TINGNAN | Pagtatapos ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month sa San Pedro City, isinagawa sa mas makabuluhang pamamaraan.

Naglaan ng isang araw na pamamahinga sa pagtuturo at lumabas pansamantala sa kanilang mga silid-aralan ang ating mga guro, kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, mga tanggapan ng Nasyunal na Pamahalaan at pribadong sektor upang magsagawa ng isang Clean-up Drive na pinamagatang “Abot-Kamay para sa Laguna De Bay: Mission in Action – Solid Waste Recovery” sa Brgy. San Roque, kahapon, Oktubre 5, 2024.

Layunin ng Clean-up Drive na ito na malinis at muling buhayin ang mga water resources sa ating lungsod sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga basura at iba pang kontaminasyon sa mga daluyan ng tubig.

Hinihimok ang lahat ng San Pedrense na sikaping maging malinis at responsable sa ating kalikasan at kapaligiran upang mapanatili ang kaayusan ng ating mga likas na yaman para sa susunod na henerasyon.

Mga larawan mula sa DepEd SDO San Pedro City

#UnaSaKalinisan

#UnaAngKalikasan

#UnaSaLaguna

Scroll to Top