TINGNAN | Malugod na dinaos ng mga deboto ang Dambana ni Lolo Uweng nitong Huwebes, ika-31 ng Agosto 2023 dahil sa pangalawang opisyal na pagdalaw ng Mahal na Poong Nazareno. Upang salubungin ang Mahal na Itim na Nazareno, naghanda ang Lolo Uweng Shrine ng temang: โ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐ฎ, ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐๐บ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด ๐ป๐ด ๐ฃ๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ผ.โ, bilang gabay sa mga kaganapan at panalangin ng mga dumadalo. Mananatili ang Banal na Imahe sa Lungsod ng San Pedro hanggang Lunes, ika-4 ng Setyembre, kung saan maghahandog ng araw-arawang misa at pagpupuri sa ibaโt-ibang kapilya. Narito ang talaan ng araw at kapilyang dadalawin:
Ika-1 ng Setyembre:
Via Crucis Meditation Garden – 5:30 AM hanggang 8:30 PM
Kapilya ng San Roque – 10:00 PM hanggang kinabukasan, 4:00 PM
Ika-2 ng Setyembre:
Kapilya ng Cuyab – 6:00 PM hanggang ika-4 ng Setyembre, 9:00 AM
Para sa karagdagang impormasyon, manatiling naka-antabay sa opisyal na Facebook page ng Lolo Uweng shrine at San Pedro City Public Affairs and Information Office.