TINGNAN | Ikalawang taon ng pagsasagawa ng City Fair sa San Pedro City Hall

TINGNAN | Ikalawang taon ng pagsasagawa ng City Fair sa San Pedro City Hall

Ang City Fair sa San Pedro City Hall Lobby ay isang makulay at kapana-panabik na kaganapan na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod simula noong Lunes, Setyembre 16, 2024, at magtatagal hanggang sa Biyernes, Setyembre 20, 2024. Ang City Fair na ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-124 na anibersaryo ng Philippine Civil Service at ito ay ang ikalawang taon na ng naturang aktibidad.

Sa City Fair, makakakita ang mga bisita ng iba’t ibang mga produkto araw-araw. Kabilang dito ang mga halaman, damit, gamit, accessories, pabango, samut-saring pagkain at marami pang iba. Ang fair ay naglalayong magbigay kasiyahan at isulong ang pagtangkilik ng mga lokal na produkto at negosyo, pati na rin ang magsilbing pagtitipon para sa komunidad.

Huwag palampasin ang pagkakataong mag-enjoy at mamili sa makulay na kaganapang ito!

#UnaSaLaguna

#124thPhilippineCivilServiceAnniversary

Scroll to Top