Lubos na nagpapasalamat ang ating Tanggapan sa ating mga kababayan na naglaan ng kanilang panahon at talento sa pagsali sa katatapos lamang na Anilag Festival 2025! Panalo man o hindi, kampeon kayong lahat para sa amin!
Nagpapasalamat rin ang ating Tanggapan sa Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office sa paggaganyak sa ating Lungsod na sumali sa Anilag Festival at ipakita ang husay at galing ng ating mga mamamayan. Nagpapasalamat rin tayo sa suportang ipinakita ng ating City Government of San Pedro sa mga paghahanda na ginawa para sa pistang ito.
Nawa’y magsama-sama po tayong muli sa susunod na Anilag Festival!
#SanPedroTCAO
#AnilagFestival2025
#LoveLaguna
#EverythingSanPedro
#UnaSaLaguna