Tamang Pangangampanya – Campaign Period and Premature Campaigning
Panoorin sa link na ito: https://tinyurl.com/m7n8sh6u
Mangampanya lamang sa loob ng Campaign Period mula October 19-28, 2023.
Bawal ang Premature Campaigning o maagang pangangampanya.
Bawal din mangampanya sa October 29 (Eve of Election Day) at October 30 (Election Day).
Kaya naman sundin ang mga batas at alituntunin tungkol sa pangangampaya at maging isang #ResponsablengKandidato.
PAALALA MULA SA COMELEC:
Ang pamimigay, pag-aalok, o pangangako ng pera o anumang bagay na may halaga, paggastos o pag-aalok ng paggastos, direkta man o hindi, para sa sinumang tao, para hikayatin ang sinuman na bumoto para o laban sa isang kandidato, ay lumalabag sa batas at gumagawa ng Election Offense na Vote-Buying.