Nakikiisa ang Tanggapan ng Turismo, Kultura, at Sining ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pagdiriwang ngayong araw ng Kapistahan ng pinakamatandang simbahan sa ating bayan, ang Parokya ni San Pedro Apostol. Isinasabay ito sa pang-Katolikong Kapistahan ng Luklukan ni San Pedro Apostol kada Pebrero 22 ng bawat taon.
Ayon kay Anastacio Olivares, mula nang maitatag ang Parokya noong 1725 (bagamat kinikilala ng Parokya ang 1763 bilang kanilang taon ng pagkakatatag) ay unang itinakda ang Enero 18 bilang taunang pista nito. Ito ay batay sa sinaunang pista ng Luklukan ni San Pedro Apostol sa Roma. Taong 1887, sa utos ng kanilang Kura Paroko na si Padre Pablo Feliciano, inilipat ang kapistahan ng Simbahan patungong Mayo 3, bilang pagdiriwang sa araw ng pagkakatuklas ng Krus ng San Pedro Tunasan. Binanggit rin ni Olivares na pinagsama-sama ni Padre Feliciano sa unang tatlong araw ng Mayo ang mga kapistahan sa San Pedro: ang Mayo 1 ay nakalaan kay San Pedro Apostol, at ang Mayo 2 ay nakatakda naman para sa Kapistahan ng Birhen ng Santo Rosario.
Sa paglalarawan ni Olivares ay masasabing masaya at maingay ang pagdiriwang ng Pistang Bayan ng San Pedro Tunasan. Katulad ng nangyayari rin sa ibang mga bayan, nagkakagulo ang buong bayan dahil sa pagagayak at paghahanda ng mga San Pedrense sa nalalapit na pista. Sinasabi rin na tatlong araw bago ang aktwal na pistang bayan ay dumarating na sa San Pedro ang laksa-laksang mga bisita; dahil na rin sa dami ng mga dumadalo ay umaabot ng isang buong linggo ang mga handaan sa ibaβt ibang mga tahanan. Katulad ng ibang mga bayan ay nagkakaroon ng mga misa sa simbahan para sa ipinagdiriwang na kapistahan, kung saan ang pinakahuli sa kanilang lahat ay ang tinatawag na βmisa mayor.β Nagkakaroon rin ng mga palaro para sa lahat, at may nag-iikot rin na mga musiko na tumutugtog ng mga musikang pampista. Mayroon ding isinasagawang βjuego de anilloβ sa plaza, kung saan may mga binata na nakasakay sa kabayo ang magtutuhog sa mga nakasabit na singsing na may pangalan ng isang dalaga na siyang magbibigay sa lalaki ng isang gantimpala.
Pagsapit ng gabi ay nagkakaroon ng prusisyon na lumilibot sa buong bayan, na susundan naman ng mga palabas sa plaza tulad ng moro-moro, pantomima, at sarswela. Ipinapalabas rin sa plaza ang dulang βSanta Elena,β na isinulat ni Jose βHuseng Pungkolβ Mendoza at isinadula ni Diego Yatko, na nagkukuwento sa pagkakadiskubre ni Reyna Elena sa banal na krus ni Hesus. Binanggit rin ni Olivares na hindi mahilig sa pagsasayaw ang mga San Pedrense dahil bukod sa itinuturing noon na mahalay ang pakikipagyakapan ng isang babae sa isang lalaki, ay walang masyadong marunong noong sumayaw sa San Pedro. Nang malaon, nadagdag sa pagdiriwang ng pistang bayan ang mga peryahan, at ang San Pedronians Night, na inoorganisa ng grupong San Pedronians upang bigyang-parangal ang mga San Pedrense na nagtapos sa kolehiyo o mga naging propesyunal.
Noong 2005, batay sa naging rekomendasyon ng Obispo ng San Pablo, inilipat ang Pistang Bayan sa Pebrero 22 bilang pagbabalik sa pagpapahalaga sa Kapistahan ng Luklukan ni San Pedro Apostol, na itinakda naman ng Simbahang Katolika sa nabanggit na petsa matapos ang Ikalawang Konsilyo Vaticano. Itinakda rin ng nooβy Sangguniang Bayan ng San Pedro ang Pebrero 22 bilang San Pedro Day, at ito ang naunang itinakdang petsa para sa Sampaguita Festival hanggang sa mailipat ito sa unang linggo ng Mayo.
πππ ππππππππππ:
Catholink. 2024. βFeast of the Chair of Saint Peter.β Catholink. February 18, 2024. https://catholink.ph/feast-of-the-chair-of-saint-peter/.
City Government of San Pedro. 2021. ππ©π¦ ππͺπ΅πΊ π°π§ ππ’π― ππ¦π₯π³π°: ππ―π€π©π°π³π¦π₯ πͺπ― ππ³π’π₯πͺπ΅πͺπ°π―, ππ°π€πΆπ΄π¦π₯ π°π― π΅π©π¦ ππΆπ΅πΆπ³π¦. Quezon City: Erehwon Artworld Corporation.
Olivares, Anastacio. 1963. ππ’π΄π’πΊπ΄π’πΊπ’π― ππ¨ ππ’πΊπ’π―π¨ ππ’π― ππ¦π₯π³π° ππΆπ―π’π΄π’π― 1574-1961. Manila: Liberty Press Co. Inc.
Rosales, Amalia, and Sonny OrdoΓ±a. 2007. ππ’π― ππ¦π₯π³π°, ππ’π¨πΆπ―π’: ππ°π°π― π’π΅ ππ¨π’πΊπ°π―. San Pedro, Laguna: San Pedro Historical Committee.