ANUNSYO | Ang DSWD Region IV-A Field Office sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ay muling magkakaroon ng payout para sa mga benepisyaryo ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens. Ang proseso ng pay-out ay naka-schedule bawat barangay at magsisimula sa March 11, 2025 hanggang March 12, 2025 na mahahati sa dalawa (pang-umaga at pang-hapon) na gaganapin sa San Pedro Astrodome, Brgy. Pacita 1.
Narito ang schedule ng bawat barangay:
March 11, 2025 (Martes) | 8:00AM-12:00NN
• Cuyab (Payroll No. 1-135)
• San Antonio (Payroll No. 1-133)
• Landayan (Payroll No. 1-111)
• Langgam (Payroll No. 1-96)
• San Vicente (Payroll No. 1-156)
March 11, 2025 (Martes) | 1:00PM-5:00PM
• Cuyab (Payroll No. 136-269)
• San Antonio (Payroll No. 134-266)
• Landayan (Payroll No. 112-222)
• San Roque (Payroll No. 1-99)
• San Vicente (Payroll No. 157-312)
March 12, 2025 (Miyerkules) | 8:00AM-12:00NN
• Bagong Silang (Payroll No. )
• Calendola
• Chrysanthemum
• Magsaysay
• Poblacion
• Sampaguita
• San Lorenzo
• Santo Nino
• United Bayanihan
• United Better Living
March 12, 2025 (Miyerkules) | 1:00PM-5:00PM
• Estrella
• Fatima
• GSIS
• Laram
• Maharlika
• Narra
• Nueva
• Pacita 1
• Pacita 2
• Riverside
• Rosario
Mga kailangang dalhin:
• Original at photocopy (harap at likod) ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark.
Kung ang claimant na senior citizen ay bedridden, hirap maglakad o may malubhang karamdaman at hindi maaaring personal na mag-claim ng social pension, maaaring mag-authorize ng pinakamalapit na kamag-anak (nearest kin) na kukuha ng kanyang social pension.
Dalhin lamang ang mga sumusunod:
1. Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID (harap at likod) na may tatlong (3) pirma o thumbmark.
2. Photocopy ng valid ID ng claimant na may tatlong pirma.
3. Authorization Letter na may lagda o thumbmark ng senior citizen katunayan na siya ay nagbibigay pahintulot na kuhain ang kanyang social pension.
4. Magdala ng PRINTED na larawan na magkasama ang authorized representative at senior citizen na hawak ang authorization letter at March 2025 Calendar.
PAALALA at ABISO:
• Maaari nang magpunta sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) para kumuha ng mga kinakailangang forms (authorization letter, warranty & release, certification of one and the same) at magpalagay ng inyong payroll number kalakip ang inyong schedule.
• Basahing mabuti at sundin po natin ang itinakdang petsa para sa payout bawat barangay.
Para sa iba pang mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa numerong (02) 8808-2020 lokal 106, Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 AM-5:00 PM.