Social Pension Program for Indigent Senior Citizens

ANUNSYO | Ang DSWD Region IV-A Field Office sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ay muling magkakaroon ng payout para sa mga benepisyaryo ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens. Ang proseso ng pay-out ay naka-schedule bawat Barangay at magsisimula sa ika-28 ng Mayo 2024 sa Robinsons Galleria na mahahati sa dalawa (pang-umaga at pang-hapon) at sa ika-29 ng Mayo 2024 na gaganapin sa SM Center San Pedro.

Mga kailangang dalhin:

• Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark.

Kung ang claimant na senior citizen ay bedridden, hirap maglakad o may malubhang karamdaman at hindi maaaring personal na mag-claim ng social pension, maaaring mag-authorize ng pinakamalapit na kamag-anak (nearest kin) na kukuha ng kanyang social pension.

Dalhin lamang ang mga sumusunod:

1. Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark.

2. Photocopy ng valid ID ng claimant na may tatlong pirma.

3. Authorization Letter na may lagda o thumbmark ng senior citizen katunayan na siya ay nagbibigay pahintulot na kuhain ang kanyang social pension.

4. Magdala ng PRINTED na larawan na magkasama ang authorized representative at senior citizen na nilalagdaan ang kanilang authorization letter.

PAALALA:

• Basahing mabuti at sundin po natin ang itinakdang petsa para sa payout bawat Barangay.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa numerong 8808-2020 lokal 106, Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 AM-5:00 PM.

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top