SEMINAR ALERT!
Magkakaroon ng isang seminar ang San Pedro Tourism, Culture, and the Arts Office ngayong Buwan ng Kasaysayan at Wikang Pambansa!
Pinamagatang “Kaagi: Talastasan Ukol sa Kasaysayan at Wika ng Pilipinas,” tatalakayin nito ang ilang mga paksa tungkol sa kasaysayan, kultura, at wika ng Pilipinas. Gaganapin ito ngayong Agosto 22, 2023 sa Pavillon Hall ng ating City Hall, mula ika-1:30 hanggang ika-4:30 ng hapon.
Ang mga pag-uusapang paksa ay ang mga sumusunod:
1. “Ang Ambag ng San Pedro sa Pagbubuo ng Bansang Pilipino”
G. Michael Anjielo Tabuyan, Pamahalaang Lungsod ng San Pedro
2. “Ang Wikang Filipino sa Panahon ng Kontemporaryong Kultura”
G. John Carlos Evangelista, St. Scholastica’s College Manila
3. “Pagpapahalaga sa Wika, Kasaysayan, at Kultura tungo sa Katarungang Panlipunan at Pag-Unlad”
G. Mark Joseph Santos, De La Salle University Manila
Libre at bukas para sa lahat ang nabanggit na seminar! Magbibigay rin ng sertipiko ang SPTCAO para sa mga dadalo!
Sa mga nagnanais dumalo sa naturang seminar, magpatala lamang sa https://bit.ly/sptcaokaagiseminar. Para sa mga katanungan, maari kayong magpadala ng mensahe sa page na ito o sa paio.cityofsanpedro@gmail.com.
Kita kits po tayo!