Seal of Child-Friendly Local Governance

“Tinanggap natin kanina ang ating Seal of Child-Friendly Local Governance kaninang hapon kasama pa ng ibang mga Lungsod at Bayan ng Laguna. Ang award na ito ay tinanggap natin dahil nakapasa tayo sa Child Friendly Local Governance Audit na ginanap noong tayo ay naupo bilang Mayor.

Nais ko pong magpasalamat sa DILG IV-A at sa buong DILG dahil binibigyan nila ng pagkakataon ang mga LGUs na pagsumikapan pa na pagbutihin ang kanilang mga serbisyo para sa mga tao, lalo na sa mga bata.

Rest assured na isa sa priorities ng ating bayan ang siguruhing ligtas ang mga bata at maibigay sa kanila ang isang lipunang maayos at may panatag na kinabukasan.”

#SealOfChildFriendlyLocalGovernance

#UnaSaLaguna

Scroll to Top