San Pedro City Health Office Advisory

PAUNAWA | Bilang pagsunod sa Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012, Ang City Health Office – Sanitation ay mangangailangan ng mga sumusunod na dokumento kapag ibang tao ang mag poproseso ng Health Certificate (Card), Burial, Cremation, Exhumation at Transfer Permit:

1. Authorization Letter mula sa data subject (ang nagpapa asikaso)
2. Kopya ng ID data subject (ang nagpapa asikaso)
3. Kopya ng ID ng Authorized Person (ang mag aasikaso)

Para sa Health Certificate (Card): Kung hindi empleyado mismo ang mag aasikaso. Kailangan naka sulat sa letter na Health Certificate (Card) ang aasikasuhin

Para sa Burial, Cremation, Exhumation, Transfer Permits: Kung punirarya o hindi immediate family ang mag aasikaso. Kailangan naka indicate sa letter na Burial, Cremation, Exhimation, Transfer permit ang aasikasuhin

Basahin ang batas sa https://privacy.gov.ph/data-privacy-act/

Nirerespeto ng tanggapan ang Data Privacy ng bawat isa. Kung may katanungan, tumawag sa (02) 8808-2020 Local 207 o mag email sa ehss.sanpedrocity@gmail.com

#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top