NASA LARAWAN | San Pedro City DRRM Council, nagsagawa ng pagpupulong hinggil sa pinakahuling ulat sa Insidente ng Oil Spill sa San Isidro River.
Nagdaos ng status update meeting ang San Pedro City Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Council noong Marso 18, 2025, kaugnay ng insidente ng oil spill na naganap noong Enero ng kasalukuyang taon, matapos ang sunog sa isang warehouse sa Brgy. San Antonio kung saan nasa limang (5) barangay ang naapektuhan.
Nagbigay ng detalyadong ulat ang Philippine Coast Guard hinggil sa nagpapatuloy na cleanup efforts at isinaad ang naging malaking progreso.
Sa kasalukuyan, matagumpay na nakolekta ng kanilang koponan ang 10,413 drums o katumbas ng 2,077,660 litro ng pinaghalong langis at tubig. Bukod dito, tinanggal din nila ang 87,364.2 kilo ng solid waste mula sa Ilog San Isidro.
Kinumpirma din ng mga awtoridad na wala nang mga apektado o kontaminadong lugar sa kahabaan ng ilog.
Ang Incident Management Team (IMT) ay na-demobilized na pagsapit ng Biyernes, Marso 21, 2025 kaugnay ng patuloy na pagbuti ng sitwasyon, ngunit patuloy pa rin ang pagmamatyag na isasagawa ng lokal na pamahalaan.
Mahigpit na ipinapaalala at ipinagbabawal ng Pamahalaang Lungsod ang pagtatapon ng basura sa ilog.