#SampaguitaFestival2023 Day 2

Message from our Honorable Mayor Joseph Art Mecado : This #SampaguitaFestival2023, of course we would like to focus more on what we are celebrating; ang Sampaguita. Simula noong ako ay maupo bilang inyong Mayor, kasama ng aking asawa na si Mika, isa sa mga naging pangunahing goals ng ating administration ay ang muling pagbuhay at pagpapalakas ng industriya ng Sampaguita sa Lungsod ng San Pedro. Katulong ng iba’t ibang mga key persons sa ating Sampaguita Revival gaya nina Chief Farmer Engr. King Layola, unti-unti natin itong isinasakatuparan.

As part of our festivities this festival, sama-sama nating pinasinayaan ang Sampaguita Nursery Farm sa Rosario Complex kaninang umaga. Kasama ang ating Rosario Complex Homeowners Association na kaakibat natin sa proyektong ito. Nagkaroon tayo ng Ceremonial Planting ng mga Sampaguita seedlings sa ating munting nursery. Isa lamang po ito sa mga LGU-initiated na Sampaguita Nursery Farms na ating bubuksan sa ating Lungsod. Hindi naman po imposible na muli nating pabanguhin ang San Pedro ng halimuyak ng Sampaguita.

Sa pagpapatuloy ng ating mga pagdiriwang ngayong linggo, sana ay hindi lamang matapos dito ang ating plano para sa industriya ng Sampaguita sa San Pedro. Sama-sama nating buhayin muli ang Sampaguita industriya kahit matapos na ang Sampaguita Festival.

#UnaSaLaguna

#SampaguitaFestival2023

#SampaguitaNurseryParkatRosario

Scroll to Top