Ito ang naging tema ng KASALANG BAYAN 2025 na nagsisilbing paalala na ang pag-ibig ay hindi lamang nararamdaman, kundi ipinagdiriwang. Isang makulay na seremonya ang inihandog ng Pamahalaang Lungsod para sa tatlumpung (30) magsing-irog na pinag-isa ngayong araw sa San Pedro Astrodome sa pangunguna ni City Mayor Art Mercado.
Nawa’y ang inyong kasal ay maging simbolo ng tunay na pagmamahal at pagkakaisa.
Maligayang Araw ng mga Puso, San Pedro!