Rice for All

NASA LARAWAN | Pinangunahan ng Deparment of Agriculture sa pakikipagtulungan ng DA Region IV-A Calabarzon-Agri Business & Marketing Assistance Division at City Agriculture’s Office ang Paglulunsad ng ‘Rice for All’ Program sa San Pedro City noong Hulyo 19, 2024 na kauna-unahang isinagawa sa Probinsya ng Laguna.

Ang programang ito na isinusulong ng Pamahalaang Nasyunal ay naglalayong magbenta ng magandang kalidad ng bigas sa halagang P29.00 kada kilo sa mga mahihirap o bulnerableng sektor sa buong bansa.

Sa unang araw ng naturang aktibidad, nakabili ng tig-limang (5) kilo ang humigit-kumulang sa limandaang (500) miyembro ng Senior Citizens, Solo Parents at mga PWD.

Ayon kay DA ASec. for Consumer Affairs and Legislative Affairs and Department Legislative Liaison Officer, Atty. Genevieve E. Velicaria-Guevarra, layon ng DA na gawing lingguhan ang pagbebenta ng mura ngunit de-kalidad na bigas sa ating lungsod at asahang maibaba din ito sa bawat barangay upang makatulong sa bawat Pamilyang Pilipino lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

#RiceForAllProgram

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaAgrikultura

Scroll to Top