Pugay Tagumpay

TINGNAN | Binigyang pagkilala ng Department of Social Welfare and Development Field Office IV-A Calabarzon ang nasa tatlong-daang (300) pamilya sa San Pedro na matagumpay na nagtapos bilang benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa isinagawang Pugay Tagumpay noong Hulyo 16, 2024 sa San Pedro Astrodome.

Ang mga pamilyang ito ay labing-dalawang (12) taon nang benepisyaryo at masasabing ang kanilang pamilya ay nasa kategorya na ng non-poor at self-sufficient.

Ang ilan sa kanila ay nagbigay pa ng mga patotoo sa mga karanasan habang nasa ilalim ng programa upang magbigay inspirasyon sa kapwa miyembro.

Ang 4Ps ay programa at pinondohan ng Pamahalaang Nasyunal sa pamamagitan ng DSWD na layuning maiangat sa kahirapan ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash grants. Kapalit ito ng kanilang pagsunod sa mga kondisyon ng programa na naglalayong paunlarin ang estado ng kanilang edukasyon, kalusugan, at kabuuang kapakanan. Maliban dito, binibigyan ng oportunidad ang mga benepisyaryo na mapaunlad pa ang kanilang kakayahan upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya.

Ang DSWD Field Officers ang tumutukoy at nagbeberipika kung ang isang pamilya ay kwalipikado batay sa pamantayan at regulasyon na nakapaloob sa programa.

Para sa may mga katanungan hinggil sa 4Ps, bisitahin lamang ang mga DSWD Official FB pages or personal na magsadya sa kanilang tanggapan sa 1st Floor, Old Municipal Hall, Brgy. Poblacion.

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

#UnaSaImpormasyon

Scroll to Top