“Poetry is the spontaneous overflow of powerful feelings: it takes its origin from emotion recollected in tranquillity.” — William Wordsworth

“Poetry is the spontaneous overflow of powerful feelings: it takes its origin from emotion recollected in tranquillity.” — William Wordsworth

Kahapon, ika-21 ng Pebrero 2024, ibinuhos ng mga makata at bard ng San Pedro ang kanilang mga puso at kaluluwa sa Poetry Slam Competition sa SM Center San Pedro para sa National Arts Month Culminating Activity.

Ang mga finalist ng iba’t ibang edad ay naglakas-loob sa entablado at mahusay na inihatid ng kanilang mga piyesa, ngunit tatlong indibidwal ang nangibabaw sa patimpalak:

Si Abigail Abelardo sa kanyang madamdaming piyesa patungkol sa nakapagliligtas-buhay na kapangyarihan ng sining, si Christian Paul Betinol sa kanyang napapanahong deklarasyon tungkol sa pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng sining, “Panata Namin nina Juan, Nena at Buboy,” at si Dannie-Oscar Legara Cruz sa kanyang “Susi Ng Nakaraan” na inilakbay ang mga manonood sa ating minamahal na lungsod.

Tunay na ang malikhain ang kaluluwa ng Lungsod ng San Pedro, at nananatiling hindi natitinag, sari-sari, at puno ng buhay. Patuloy nating suportahan sila, maging pana at kamay na nagpapatatag sa palaso ng pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyon ng Sining at Kultura.

Pagbati ating mga nanalo, at sa lahat ng nakilahok sa maluwalhating gawaing ito!

#SanPedroTCAO

#AniNgSining

#BayangMalikhain

#NationalArtsMonth2024

#SMCenterSanPedro

Scroll to Top