PERTUSSIS

Ang PERTUSSIS o Ubong dalahit/ Tusperina ay isang nakakahawang impeksyon dulot ng bakterya na “Bordetella pertussis”.

Ito ay karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng respiratory droplets mula sa pag-ubo o pagbahing.

Lahat ng edad ay madaling kapitan ng Pertussis ngunit higit na mapanganib sa mga bata, sanggol at indibiwal na walang bakuna.

Pagpapabakuna pa rin ang nananatiling pinakamabisang paraan sa pag-iwas sa Pertussis. Ito ay ligtas at epektibo. Sumangguni sa inyong pinakamalapit na Barangay Health Station para sa karagdagang impormasyon.

Source: Department of Health

#SanPedroPAIO

#SanPedroCESU

#UnaSaKalusugan

#UnaSaLaguna

Scroll to Top