Personal na bumisita at nagkaloob ng mga hygiene kits, bigas, distilled water at mga laruan para sa mga bata na nasa Rosario at Landayan Evacuation Centers sina City Mayor Art Mercado, Mrs. Mika Mercado, mga Department Heads, Rotary Club of Metro San Pedro at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.

NASA LARAWAN | Personal na bumisita at nagkaloob ng mga hygiene kits, bigas, distilled water at mga laruan para sa mga bata na nasa Rosario at Landayan Evacuation Centers sina City Mayor Art Mercado, Mrs. Mika Mercado, mga Department Heads, Rotary Club of Metro San Pedro at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.

Matatandaang marami sa ating mga kababayan ang binaha at inilikas dahil sa banta ng panganib na dulot ng walang humpay na pag-uulan sa kasagsagan ng #BagyongCarina at Habagat lalo na sa Barangay Landayan.

Naipamahagi na rin ang donasyong relief baskets mula sa Office of the Civil Defense CALABARZON na naglalaman ng tabo, tuwalya, hand towel, malong, suklay, nail cutter, chamber pot, sanitary pads, toothpaste, toothbrush, sabong panligo, sabong panlaba, at shampoo with conditioner.

Namigay rin ng karagdagang relief baskets ang Rotary Club of Metro San Pedro.

Ang mga relief baskets naman na kaloob ng Pamahalaang Lungsod ay naglalaman ng bigas, de-lata, shampoo, sabong panligo, toothpaste, toothbrush, alcohol, face masks, suklay, sabong panlaba, tuwalya, tabo, banig, unan na may punda, kumot at sanitary napkin.

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

#UnaSaKaligtasan

Scroll to Top