TINGNAN | Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, sa pangunguna ng Person with Disabilites Affairs Office, ang kauna-unahang Paralympics ‘24 na ginanap sa Garage Court, Brgy. Poblacion.
Nakiisa at dumalo ang humigit kumulang 30 na mga organisasyon mula sa iba’t ibang barangay. Volleyball, Basketball, Badminton, Chess, Dama, Dart, Relays at Mobile Legends Tournament ang mga isinagawang aktibidad rito. Layunin nito na gawing healthy ang lifestyle ng bawat PWDs sa lungsod at hubugin ang mga kakayahan nila na maaaring kumatawan at magbigay karangalan sa lungsod sa larangan ng sports. Isa lamang itong patunay na hindi hadlang ang kapansanan sa mga mabubuting bagay na nais ninyong tahakin.