Pambansang Araw ng mga Bayani sa Pilipinas 

Ang pamahalaang Lungsod ng San Pedro ay nakikiisa sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani sa Pilipinas o ang “National Heroes Day” upang alalahanin ang katapangan ng mga bayaning Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa.

Ito ay alinsunod sa Batas Blg. 3827 kung saan isinasaad na ang huling linggo ng Agosto ay itinuturing na Araw ng mga Bayani. Subalit noong Hulyo 24, 2007, nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Batas Republika Blg. 9492 na nagsususog sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 292, Aklat 1, Kabanata 7 na ang Araw ng mga Bayani ay ginugunita tuwing huling Lunes ng Agosto bawat taon at tinaguriang regular na pista opisyal sa buong bansa ayon sa Proklamasyon Blg. 90 s., 2022.

SANGGUNIAN:
• “National Heroes Day: Govph.” Official Gazette of the Republic of the Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/…/national-heroes-day/

#SanPedroTCAO
#UnaSaLaguna

Scroll to Top