Good News | Masayang ibinabalita ng ating City Mayor Hon. Art Mercado at ng Pamahalaang Lungsod ang mas pinaagang pamamahagi ng #PamaskongHandog2024 para sa mga San Pedrense.
Ang pamimigay nito ay naka-iskedyul sa bawat Barangay upang matiyak na ang lahat ng pamilya ay makakatanggap at maging maayos ang pamamahagi.
Mag-uumpisa ang pamamahagi sa ganap na alas-9:00 sa umaga at alas-2:00 naman sa hapon.
Narito ang mga schedule sa bawat Barangay:
•Nobyembre 12, 2024 (Martes)
-Barangay Riverside
-Barangay GSIS
•Nobyembre 13, 2024 (Miyerkules)
-Barangay Narra
-Barangay Sto. Niño
•Nobyembre 14, 2024 (Huwebes)
-Barangay United Bayanihan
-Barangay Poblacion
•Nobyembre 15, 2024 (Biyernes)
-Barangay Bagong Silang
-Barangay United Better Living
•Nobyembre 16, 2024 (Sabado)
-Barangay Fatima
-Barangay San Lorenzo Ruiz
-Barangay Maharlika
•Nobyembre 17, 2024 (Linggo)
-Barangay Sampaguita
-Barangay Calendola
-Barangay Rosario
•Nobyembre 18, 2024 (Lunes)
-Barangay Nueva
-Barangay Laram
Mahalagang Paalala: Para sa mga Barangay na wala pang schedule, antabayanan lamang ang mga susunod na anunsyo dito sa Official FB Page.
Maligayang Pasko, Lungsod ng San Pedro!