PABATID PUBLIKO | “Nakarating sa aming tanggapan na mayroong kumakalat na text/Facebook message

PABATID PUBLIKO | “Nakarating sa aming tanggapan na mayroong kumakalan na text/Facebook messagena nagsasaad na ang bawat residente ay makatatanggap ng halagang P5,000.00 hanggang 8,000.00 mula sa DSWD sa pamamagitan ng Social Amelioration Program. Sa naturang mensahe, ang mga benepisyaryo ay inaatasang tumawag sa DILG kung sakaling hindi makatanggap na form o ng nakalaang tulong.

Nais naming bigyang linaw na ang DILG ay walang natatanggap na impormasyon at direktiba ukol sa pamamahagi ng naturang ayuda.

Patuloy naming ipinapaalala sa lahat na ang anumang direktiba o impormasyon ay ipinararating sa pamamagitan lamang ng mga opisyal na daluyan tulad ng aming website, mga opisyal na social media pages, at sa pamamagitan ng mga punong tagapagpakilos ng pamahalaang lokal (LGOOs) sa bawat probinsya, bayan, at lungsod.”

Pabatid mula sa DILG City of San Pedro

Scroll to Top