PABATID PUBLIKO | Alinsunod sa Batas Republika Bilang 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, nais magbigay babala ng Philippine National Police at Civil Security Group Firearms and Explosives Office tungkol sa pagpapalit ng rehistradong baril nang walang permiso o awtoridad mula sa FEO.
Batay sa Seksyon 34 ng Batas Republika Bilang 10591 , ang sinumang tao na papawi o magbabago nang walang awtoridad ang barrel, slide, frame, receiver, cylinder, o bolt assembly, kasama ang pangalan ng gumawa, modelo , o serial number ng anumang baril, o kung sino ang papalitan nang walang awtoridad ang barrel, slide, frame, receiver, cylinder, o bolt assembly, kasama ang indibidwal o kakaibang pagkilalang katangian nito na mahalaga sa forensic na pagsusuri ng isang baril o magaan na armas ay mapapatawan ng kaukulang parusa ng prision correccional (anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon) hanggang prision mayor (6 na taon at isang araw hanggang 12 taon).