PABATID mula sa Department of Interior and Local Government patungkol sa kumakalat na FAKE NEWS ukol sa SOCIAL PENSION FOR INDIGENT SENIOR CITIZENS:
Paalala sa lahat na sa kasalukuyan ay HINDI PA APRUBADO ang batas hinggil sa Social Pension for Indigent Senior Citizens Program na magiging parte na ito ng Universal Pension Program kung saan pareho nang makakatanggap ang mga pensioners at non-pensioners.
Walang katotohanan ang mga kumakalat na balita patungkol sa pagpapatupad ng pagbabagong ito.
Kasabay nito, nais din ipabatid ng pamunuan ng DILG na hindi required ang sinuman na mag-register sa pamamagitan ng Senior Citizen Data Form upang maging beneficiaries ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program.
Maraming salamat po. Patuloy po tayong maging mapagmatiyag at mapanuri sa mga impormasyong ating nababasa sa social media.