PAALALA at BABALA mula sa San Pedro City Business Permit and Licensing Office (BPLO)

Para sa lahat ng nag mamay-ari ng negosyo, tanging sa tanggapan lamang ng BPLO isinisagawa ang transaksyon sa pagkuha ng Business Permit at Mayor’s Permit at iba pang mga serbisyo tulad ng Termination/Retirement of Business, Amendment, Certified True Copy o anumang sertipikasyon. Kung kayo naman ay magbabayad ng mga kaukulang dokumentong nabanggit, magpunta lamang sa tanggapan ng City Treasurer’s Office, Ground Floor, San Pedro City Hall.

Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat sa mga NAGPAPANGGAP na inspektor ng BPLO at humihingi ng bayad serbisyo kapalit ng pag-aasikaso ng Business/Mayor’s Permit at mga serbisyong nabanggit. Ito po ay isang panloloko o SCAM.

Kung sakaling mayroong lumapit sa inyo at mag-alok ng serbisyo, mangyaring ipagbigay alam ito sa tanggapan ng BPLO, Ground Floor, San Pedro City Hall o tumawag sa numerong (02) 8808-2020, loc 117. Maaari ding ipagbigay alam ito sa inyong pinakamalapit na Barangay Hall o Satellite para sa mabilis na aksyon.

📌San Pedro City BPLO

#SanPedroBPLO
#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top