Opening Salvo at Lightning Ceremony

TINGNAN | Matagumpay na naidaos ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ang Opening Salvo at Lightning Ceremony para sa pagsisimula ng Paskuhan 2023 na ginanap nitong Biyernes, ika-1 ng Disyembre sa City Hall Grounds at ito ay dinaluhan ng mga kawani ng gobyerno at mamamayan ng lungsod.

Ito ay sinimulan ng isang masayang awitin hatid ng PUP Sampaguita Chorale, sinundan ng special number ng SPCPC Dance Troupe, at ang Christmas Carol na hatid ng Sancri Petri Singers. Kinagiliwan din ng lahat ang performance ng Renee Grace Rose Villarosa School Ballet, ang seremonyal na pagpapailaw ng City Hall sa pangunguna ni Mayor Art Mercado at kanyang pamilya kasama ang mga City Department Heads at ang makulay na fireworks display.

Kasabay nito ay ang sorpresa na anunsyo ni Mayor Art Mercado tungkol sa pamasakong handog para sa San Pedrense at ang handog na ₱1,000 ng Pamahalaang Lungsod para sa ating mga kababayang PWD at Senior Citizens.

Maligayang Pasko, San Pedro!

#PaskongSanPedrense2023

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

Scroll to Top