Opening of the new City of San Pedro DRRMO Operations Center

Binuksan na po namin ni DILG Philippines Secretary Benhur Abalos ang ating bagong-bagong City of San Pedro DRRMO Operations Center.

Ito po ay isang state-of-the-art facility ng ating Pamahalaang Lungsod na may stable internet connection mula sa Starlink, top-of-the-line early warning and monitoring system na magbabantay sa buong San Pedro 24/7 mula sa mga kalamidad at sakuna, at maluwag na open space para sa ating mga rescue vehicles. Meron din itong mga conference rooms at galleries na pwede gamitin for trainings at presentation ng ating relevant DRRM data.

Lubos po akong nagpapasalamat sa ating National Government Agencies tulad ng NDRRMC, OCD, DOST, at DSWD, maging sa ating Provincial Government for their support sa project na ito. Most importantly, salamat rin po sa ating mga taxpayers dahil naging posible ito through their taxes na kanilang binabayad. Utang namin sa bawat mamamayan ng ating lungsod ang katuparan ng pangarap nating ito.

Congrats po uli sa ating CDRRM para sa kanilang natanggap na biyaya! Nawa ay matulungan nito tayo na hindi lang maging Una sa Kaligtasan, kundi maging #UnaSaLaguna!

Scroll to Top