Opening and Blessing of CT-Scan & Ultrasound

“Kaninang umaga ang Opening and Blessing of CT-Scan & Ultrasound sa ating San Pedro Jose L. Almante Emergency Hospital.

Ang CT-Scan Machine ay grant mula sa Health Facility Enhancement Program (HFEP) ng Department of Health (Philippines) na naglalayong ma-upgrade ang serbisiyo ng mga ospital ng pamahalaan at suportahan ang mga health care program initiatives ng mga lokal na pamahalaan.

Naging posible ang project na ito dahil sa tulong ni Former President and CEO ng Philippine International Trading Corporation, Mr. Dave Almarinez, upang mapaayos ang ating Health Facility na paglalagyan ng bagong CT-Scan at Ultrasound Machine na ating binili. Ang mga kagamitang ito ay kasama sa ating mga hakbangin upang magkaroon ng bago at advanced diagnostic equipments ang ating mga ospital na makakatulong sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa Department of Health (Philippines), USec. Dr. Nestor F. Santiago, at Mr. Dave Almarinez sa pagiging instrumento para maging posible ang proyektong ito. Mabuhay po kayo! 🏥☝️💚

#UnaSaLaguna

Scroll to Top