“#NoMoreSanaAll | Last year, libreng school supplies at bags. Ngayon, 3 weeks bago magpasukan

#NoMoreSanaAll | Last year, libreng school supplies at bags. Ngayon, 3 weeks bago magpasukan, nais ko pong i-announce na magkakaroon ng libreng 2 sets of uniform ang lahat ng ating mga public school students simula Day Care hanggang Senior High School!

Matagal po natin itong pinaghandaan at patuloy na pinagta-trabahuhan para masiguro na may sapat na supply ng uniforms para sa ating mga bata. Isa ito sa ating programa ngayong taon na makatulong sa ating mga magulang, upang mabawasan naman ang kanilang gastusin tuwing magpapasukan.

May extrang uniform na kayo ngayong darating na school year!

Una sa Laguna po ito. Maraming salamat po sa ating mga taxpayers dahil kung hindi sa kanilang tiwala at kontribusyon, hindi po ito magiging posible! Mabuhay po kayo!

Abangan lang po ang ating magiging anunsyo para sa distribution ng mga uniforms sa mga susunod na araw. ☺️

Thank you Noah for being our model student!💚☝🏼

#FreeSchoolUniforms

#DaycareToSeniorHighSchool

#UnaSaLaguna

Scroll to Top