Ngayong Fire Prevention Month, narito ang ilang mga paalala mula sa Bureau of Fire Protection kung paano maiiwasan ang sunog sa ating mga tahanan.
1. Linisin at itabi sa tamang lagayan ang mga bagay na maaaring maging mitsa ng sunog kagaya ng papel, mga nakakalat na damit at naiwang talsik ng mantika sa pinaglutuan.
2. Panatilihing malinis ang mga saksakan at electric fan dahil ang alikabok at dumi na naipon sa mga ito ay maaaring maging sanhi ng sunog.
3. Sa palagiang paglilinis ng bahay, ating tingnan ang mga kawad ng kuryente, saksakan, extension cords at maging mga appliances na matagal nang hindi nagagamit at maaaring depektibo na.
Sa Lungsod ng San Pedro, Una ang Kaligtasan!