Nationwide Labor Day Job Fair

NASA LARAWAN | Bilang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa at pakikiisa sa Nationwide Labor Day Job Fair, ang PESO San Pedro ay matagumpay na nakapagtala ng nasa isang-daan at tatlumpu’t pitong (137) indibidwal na natanggap sa trabaho na kilala rin bilang HOTS o Hired on the Spot. Ito ay ginanap sa SM Center San Pedro, kahapon, Mayo 1, 2025.

Ang nasabing job fair ay dinaluhan ng maraming aplikante mula sa iba’t ibang sektor, at sinuportahan ng mga kumpanyang handang tumanggap ng mga bagong empleyado. Isang patunay ito ng tuloy-tuloy na suporta ng lokal na pamahalaan para sa kabuhayan at trabaho ng mga mamamayan.

#LaborDay2025

#UnaSaTrabaho

#UnaSaLaguna

Scroll to Top