National Indigenous Peoples Month

Nakikiisa ang Tanggapan ng Turismo, Kultura, at Sining ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pagdiriwang ngayong buwan ng National Indigenous Peoples Month.

Ginugunita ito sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1906 s. 2009 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagsasabatas sa Indigenous Peoples Rights Act (IPRA), na nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos noong Oktubre 29, 1997. Itinakda rin ng Presidential Proclamation No. 486 s. 2003 ang Oktubre 29 ng bawat taon bilang National Indigenous Peoples Thanksgiving Day.

Ngayong taon, itinakda ang “Pagpapayaman ng Pamanang Kultural at Katutubong Yaman Tungo sa mas Maliwanag na Kinabukasan para sa Bagong Pilipinas” bilang tema ng National Indigenous Peoples Month. Layon nito na ipalaganap ang pagpapahalaga sa mga pamanang kultural ng ating mga kapatid na kasapi ng mga pambansang minorya/pangkat katutubo, at isama ito sa adyenda ng pagpapaunlad ng ating bansa.

Abangan lamang sa mga social media accounts ng National Commission on Indigenous Peoples ang mga gagawing aktibidad para sa pagdiriwang na ito.

#SanPedroTCAO
#UnaSaTurismo
#UnaSaLaguna

Scroll to Top