Ngayong linggo mula ika-4 hanggang ika-10 ng Disyembre, ay iginugunita ang pagdiriwang ng National Human Rights Consciousness Week na may temang: “Dignity, Freedom, and Justice for All.”
“Ang pagdiriwang na ito ay magpapamulat sa atin na muling isaalang-alang ang kahalagahan ng paggalang sa karapatan ng bawat isa. Atin nang paigtingin ang kamalayan hinggil sa mga isyu ng katarungan, kalayaan, at paggalang sa dignidad ng tao.
Taos-pusong nakikiisa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa layunin na magtulungan ang bawat isa upang maging bahagi ng pagbabago sa isang lipunan na nagtataguyod ng pang-unawa at may respeto sa kapwa.”