National Heritage Month!

Nakikiisa ang City Government of San Pedro, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo, Kultura, at Sining sa pagdiriwang ngayong Mayo ng National Heritage Month!

Itinakda ang Mayo bilang Pambansang Buwan ng Pamana sa bisa ng Proklamasyon Blg. 439, s. 2003 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ay upang imulat ang taumbayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga pamanang kultural ng Pilipinas, at hikayatin silang makibahagi sa mga aktibidad na nagsusulong ng proteksyon sa mayamang kultura ng ating bayan. Dagdag pa rito, itinaon ito sa buwan ng Mayo dahil karamihan sa mga piyesta at mga ritwal ng ating mga kapatid na katutubo ay ginaganap sa nasabing panahon.

Itinakda ng National Commission for Culture and the Arts ang ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ: ๐˜Š๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ค๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜‰๐˜ถ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜›๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฆ๐˜ด bilang tema ng Pambansang Buwan ng Pamana ngayong taon. Ito ay bilang pagpupugay sa pagpupunyagi ng mga cultural workers, heritage advocates, at ng mga pamayanang may kulturang katutubo na pangalagaan at protektahan ang yamang pamana ng ating bansa.

Maari kayong tumutok sa NCCA Facebook Page para sa mga aktibidad na isasagawa kaugnay ng nasabing pagdiriwang. Abangan din ang mga lathalain na ilalabas ng aming Tanggapan na tumatalakay sa mga pamanang kultural ng Lungsod ng San Pedro.

#SanPedroTCAO
#NHM2024
#NationalHeritageMonth
#NHMChampioningHeritage
#EverythingSanPedro
#UnaSaLaguna

Scroll to Top