“National Breastfeeding Awareness Month”

ICYMI | Ayon sa Senate Bill No. 2026, Isang Batas na Nagdedeklara sa buwan ng Agosto ng bawat taon bilang “National Breastfeeding Awareness Month”, ang Kagawaran ng Kalusugan ay inaatasan na manguna at isulong ang layunin ng panukalang batas na ang pagpapasuso ay mas mainam kaysa sa bottle-feeding. Ang tema ngayong taon ay “Enabling Breastfeeding: Isulong ang Ligtas at Malusog na pagpapasuso para sa Manggagawang Pilipina!”.

Noong nakaraang Agosto 22, 2023, Martes mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, pinangasiwaan ng City Health Office – Nutrition ang Breastfeeding Lecture and Cooking Demo na pinamagatang “Pinagsama-samang Lasa sa Kusina ni San Pedro!”, na ginanap sa Rosario Convention Center, Barangay Rosario.

Ang layunin ng buwan ng Breastfeeding Awareness ngayong taon ay upang palawakin ang kamalayan ng mga manggagawang nanay at bawasan ang pagtangkilik sa mga formula-milk para sa mga sanggol na edad 0-23 na buwan. Ipinatutupad rin ang PPAN 2023-2028 sa pamamagitan ng pagpapalaki ng mga interbensyon sa seguridad sa pagkain at nutrisyon.

#SanPedroPAIO

#UnaSaKalusugan

#UnaSaImpormasyon

Scroll to Top