TINGNAN | Nasa humigit-kumulang sa animnapung (60) katao ang napagkalooban ng libreng Progestin Subdermal Implant ng City Population and Development Office (CPDO) at San Pedro City Health Office bilang bahagi ng Family Planning Caravan na ginanap sa Laguerta Covered Court para sa mga residente sa Lower Villages at sa Calendola Barangay Health Center naman ang isinagawa para sa mga residente ng Upper Villages.
Layunin ng programang ito na maibsan ang hindi inaasahang pagbubuntis, magkaroon ng sapat na agwat ang panganganak ng isang ina at maging maayos ang kalusugan ng buong pamilya.