NANGUNA ANG LUNGSOD NG SAN PEDRO SA LAGUNA AT CALABARZON AT PANG-APAT SA BUONG PILIPINAS BILANG BEYOND COMPLIANT CITY SA GAWAD KALASAG 2023
Nakatanggap tayo ng Beyond Compliant rating sa naganap na Gawad Kalasag 2023 at sa pagkilalang ito, tayo po ay nag-Number 1 City sa Laguna at CALABARZON at No. 4 City naman sa buong bansa.
Patunay po ito na mas nahigitan natin ang pamantayan sa pangangasiwa ng disaster risk reduction programs.
Ang Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) ay nagbibigay ng pagkilala sa mga local government units, non-government organizations at private entities para sa kanilang disaster risk reduction and management at climate change adaptation efforts.
– Mayor Art Mercado