Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pagdiriwang ng Mga Pambansang Araw ng Watawat!
Ginugunita nito ang unang pormal na pagwawagayway ng Pambansang Watawat ng Pilipinas sa Teatro Caviteño, Lungsod ng Cavite noong 28 Mayo 1898, matapos ang tagumpay ng mga puwersang Pilipino sa Labanan ng Alapan sa Imus, Cavite sa parehong araw na iyon.
Gaganapin ang nasabing pagdiriwang mula ngayonga araw, ika-28 ng Mayo hanggang ika-12 ng Hunyo 2024, sang-ayon sa Seksyon 26 ng Flag and Heraldic Code of the Philippines (Batas Republika Blg. 8941), Presidential Proclamation No. 374 s. 1965, at Executive Order No. 179 s. 1994.
Maaari rin kayong makisali sa pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng pagpapaskil ng Pambansang Watawat sa inyong mga opisina, negosyo, iskwelahan, at mga bahay!
Tumutok rin sa National Historical Commission of the Philippines para sa mga updates tungkol sa nabanggit na okasyon.