Nakaramdam ng 5.9 magnitude na lindol ang South Luzon

Nakaramdam ng 5.9 magnitude na lindol ang South Luzon, kabilang na ang Lungsod ng San Pedro, kaninang 4:23 ng hapon, ngayong araw, December 5, 2023.

Ang ating mga kababayan at kawani sa San Pedro City Hall ay maagap na lumabas at nagtungo sa mas ligtas na lugar sa labas ng City Hall Building.

Pinapaalalahan po ang lahat na mag-ingat at maging prayoridad ang kaligtasan ng bawat isa.

#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon

Scroll to Top