Nagkaloob ang PLDT-SMART Foundation ng dalawang-daang (200) food packs sa Pamahalaang Lungsod noong ika-30 ng Hulyo 2024.

TINGNAN | Nagkaloob ang PLDT-SMART Foundation ng dalawang-daang (200) food packs sa Pamahalaang Lungsod noong ika-30 ng Hulyo 2024.

Ang bawat pack ay naglalaman ng bigas, de-lata, kape at gatas. Layunin ng naturang foundation na makatulong sa mga nasalanta ng #BagyongCarina at Habagat upang maging “Connected, Empowered and Progressive Philippines”.

Para sa mga nais magpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng #BagyongCarina at Habagat, narito ang pamantayan ng Department of Social Welfare and Development – DSWD sa pagbibigay ng donasyon:

(Lahat ng pagkain at hindi pagkain ay tinatanggap maliban sa mga sumusunod)

1. Mga pagkaing mawawalan ng bisa sa isang (1) taon mula sa petsa ng pagtanggap o malapit na ang expiration date.

2. Mga pagkaing hindi pumasa sa mga kinakailangang sanitary standards.

3. Formula Milk

4. Gamit o lumang mga Damit

5. Mga laruan na hindi pumasa sa pamantayan ng Food and Drugs Administration.

6. Mga Educational Materials na kinokontrol ng Kagawaran ng Edukasyon

7. Furniture and Equipment na kinokontrol ng Department of National Defense at National Economic and Development Authority

8. Anumang mga donasyon, serbisyo o pabor mula sa mga pagawaan ng Tabako

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

Scroll to Top