Nagdaos ng pagpupulong ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) hinggil sa nakaraang #SemanaSanta2025

NASA LARAWAN | Nagdaos ng pagpupulong ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) hinggil sa nakaraang #SemanaSanta2025 upang talakayin ang mga naging hakbang at gampanin ng bawat tanggapan at volunteer groups, partikular na sa Lolo Uweng Shrine sa Barangay Landayan, na taun-taon ay dinaragsa ng mga Katolikong deboto mula pa sa mga karatig-bayan.

Natalakay din ang mga susunod pang hakbang na kinakailangan para sa tagumpay ng mga susunod pang Semana Santa sa naturang dambana.

Sa kabuuan, idineklarang ‘generally peaceful’ ang naturang aktibidad dahil na rin sa maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng bawat isa.

Kaugnay nito, ginawaran ng parangal at pagpupugay ang hindi matatawarang dedikasyon ng bawat miyembro at volunteer upang maging mapayapa ang paggunita ng Kuwaresma ngayong taon.

#UnaSaKaligtasan

#UnaSaKaayusan

#UnaSaLaguna

Scroll to Top