Tulad po ng nakikita ninyong mga tarpaulin sa ating mga common posting areas, advertising lamp posts, e-billboards, at fb posts, magbabalik muli ang ating Sampaguita Festival sa darating na May 1-5!
Pinaghandaan namin ang festival ngayong taon upang ipakita po sa ating mga kababayan at mga karatigbayan ang improvements sa ating Sampaguita Revival Program at ilang tourism efforts para mas makilala pa ang ating bayan.
Naghanda kami ng ilang activities at surprises na maaaring salihan at mapanood ng bawat isa.
Maraming salamat po sa lahat ng ating media partners upang mapakilala pa natin sa mas maraming tao ang ating Sampaguita Festival, lalo na ang ating bayan ng San Pedro!
I-follow lamang po ang ating page at ang official San Pedro Sampaguita Festival facebook page, City Government of San Pedro at San Pedro City Tourism, Culture and Arts Office para sa official announcements and schedules ng ating Sampaguita Festival.
Kita kits po sa darating na May 1-5!”