LUNGSOD NG SAN PEDRO PINARANGALAN NG TOP OVERALL PERFORMER AWARD SA ISINAGAWANG 2023 SUBAYBAYANI AWARDS.

Nakatanggap po tayo ng parangal bilang Top Overall Performer Award for Component City Category sa ginanap na 2023 Subaybayani Awards ng DILG sa Sequoia Hotel Manila Bay, Parañaque City.

Ang Subaybayani award ay iginagawad ng DILG sa mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng transparency at accountability sa lahat ng aspeto ng pamamahala lalong lalo na sa pagsasagawa at pagmomonitor ng mga proyekto at pagawaing bayan.

Sa tulong ng City Engineering Office at City Planning and Development Coordinator’s Office, pinatunayan nating Una sa Laguna ang San Pedro.

Congratulations sa ating lahat. This award is for all of us and for our city!

#UnaSaLaguna

Scroll to Top