Low-Cost Kapon

ANUNSYO | Ang San Pedro City Veterinary Office, sa pakikipag-ugnayan ng Biyaya Animal Care, ay magkakaroon ng Low-Cost Kapon sa San Vicente Multi-Purpose Hall, Brgy. San Vicente. Ito ay gaganapin sa Oktubre 20, 2023, Martes, na magsisimula ng 7:00 AM hanggang 5:00 PM.

Mga kailangan dalhin:

• Katibayan ng pagbabayad at pagpaparehistro.

• Secured na cage at e-collar. Para sa katamtaman hanggang malalaking sukat ng mga aso, pinapayagan namin na magkaroon lamang ng isang secure na tali at e-collar

• Dalawang (2) bed pad para sa pusa at aso (available sa kanilang klinika sa halagang Php 30 bawat isa)

• Elizabeth Collar o E-collar (available sa kanilang klinika ang mga e-collar para sa mga pusa sa halagang Php 200 at Php 400 para sa mga aso)

• Card ng pagbabakuna ng iyong alagang hayop. (kung mayroon)

Narito ang registration link para sa programa: https://tinyurl.com/2zpf377x

Para sa mga FAQs mula sa Biyaya Animal Care, mangyaring bisitahin na lamang ang link na ito: https://tinyurl.com/bdh9kcx9

Kung may iba pang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan na lamang sa San Pedro City Veterinary Office sa Basement Level, San Pedro City Hall o tumawag sa numerong 8808-2020, local 109.

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top