Bago matapos ang buwan, nagkaroon ng meeting ang ating Local School Board. Ilan sa mga napag-usapan ay ang possible acquisition of various school sites para makapagpatayo ng karagdagang school buildings sa ating lungsod. Isa din sa mga programang pinagusapan namin ay ang Division Research Program, ang Education 4.0, na akma sa ating planong digitization at innovation sa buong San Pedro. Mayroon din tayong planong maincorporate ang Sampaguita Farming sa mga senior high school tracks na sakto rin sa ating Sampaguita Revival Program. Natutuwa ako na the local government and the education sector in our city are working hand in hand sa pag-achieve ng iba’t ibang plano para sa Lungsod ng San Pedro.
Nalalapit na rin ang World Teacher’s Day Celebration this year. Napag usapan din ang regalo para sa ating mga teachers this coming October 5. Our teachers deserve the best kaya naman ay sana magustuhan po ninyo ang handog ng ating City Government para sa inyo. Maliit na token lamang ito bilang pasasalamat sa inyong walang sawang pagmamahal, serbisyo at sakripisyo para sa ating mga estudyante. Maraming maraming salamat po sa ating mga teachers at sa LSB members na nagtrabaho upang maisakatuparan ang mga ito at patuloy na nagtatrabaho upang ang Lungsod ng San Pedro ay maging #UnaSaEdukasyon at #UnaSaLaguna!